Batangas City –
Pansamantalang isasara muna ngayong araw ang zigzag road sa Barangay Malapad na Parang sa Lobo, Batangas.
Ito ay upang bigyang daan ang pag-aalis ng tumagilid na truck sa bahagi ng naturang kalsada.
Sisimulan itong isara bandang alas 11:00 ng umaga ngayon at hindi pa umano tiyak kung gaano katagal bago maalis ang truck.
Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong daan kung mayroon mang pupuntahan.