Kalapati, ginagawa umanong drug courier ng mga inmates sa jail

KORONADAL CITY – KALAPATI na ang ginagamit ng mga inmates sa South Cotabato Rehabilitation and Detention Center (SCRDC) sa pagpapapasok ng ilegal na droga sa naturang pasilidad.

Ito ang inihayag ni Provincial Jail Warden Juan Lanzaderas matapos na nakatanggap ito ng intel report na may inaalagaang mga kalapati ang ilang mga preso.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ang mga kalapati umano ay pinapalipad at pinapakawalan ng mga bilanggo ngunit sa kanilang pagbalik, ito ay may dala ng shabu.

Ayon kay Lanzaderas na dahil dito, kinumpiska na ang lahat ng kalapati sa jail at ang iba ay kinatay at pinaalis upang hindi na makabalik pa.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Pinatawan na rin ng parusa ang mga bilanggo na nag-aalaga ng kalapati at posibleng ilipat sa Bureau of Jail Management and Penology.