‘Golden age of infrastructure’, ipagpapatuloy- PBBM

Pinuri ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga napagtagumpayan nito sa nakalipas na 125 taon hindi lamag sa literal na paghubog ng Philippine landscape, kundi gayon din sa pagde-define sa kabuoan ng ating bansa.

Read More:  Tolosa says impeachment conviction could bar Sara Duterte from 2028 race

Sa kaniyang talumpati sa anibersayo ng Kagawaran, umapela ang Pangulo sa DPWH na ang bawat proyekto’t desisyon nito ay dapat naka-future-proof para magamit ito ng mga Pilipino ng hanggang sa susunod na siglo.

Iminungkahi rin ng Pangulo na maliban sa physical infrastructure, dapat ay yakapin din ng DPWH ang konsepto ng ‘inclusive’ at ‘accessible design’ para ma-address ang pangangailangan ng lahat ng mga Pilipino.

Read More:  OVP’s ₱785.2 million budget passes Senate committee in 16 minutes

Kabilang na rito ang mayroon mga kapansana, mga nakatatanda, at mga buntis.

Sa huli, tiniyak ng Pangulo na hindi mapapatid ang naumpisahang ‘golden age of infrastructure’ sa ilalim ng Build, Build Build progam ng nagdaang administrasyon.