Ex-VP Robredo at NEDA Sec. Balisacan – tatanggap ng natatanging parangal mula sa UP Diliman

Hinirang bilang Most Distinguished Alumna/Alumnus ng University of the Philippines Alumni Association (UPAA) si dating vice president Ma. Leonor “Leni” Robredo at Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan.

Ayon sa Almuni Association, ginagawad ang ganitong parangal para sa mga natatanging indibidwal na kinikilala sa kanilang pamumuno, mga nagawa, serbisyo, at mga kontribusyon upang lumikha ng positibong pagbabago sa bansa at sa mundo.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Salaysay naman ni Robredo sa kanyang social media, ang UP mismo ang nagpahatid sa kanya ng balitang isa sya sa gagawadan ng natatanging parangal.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Nakasaad pa dito na nais nyang ibahagi sa lahat ang kanyang mga naging pinagdaanan at kung paano nya ito napagaan at nalampasan.

Sa darating na ika-19 ng Agosto ay tatanggapin ni Robredo at Basilacan ang kanilang parangal sa isang seremonya sa UP Diliman dakong alas-6 ng gabi.//JCJ