Kalansay ng tao, natagpuan sa loob ng drum

Natagpuan sa isang drum ang mga buto ng tao sa Pier Site (Rompeolas) sa Brgy Talisay, East District, Sorsogon City.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, dakong 1:00 kahapon nang makatanggap ng impormasyon ang himpilan ng Pulisya sa natagpuang kulay asul na drum na may mga kalansay sa loob.

Lumabas sa imbestigasyon na habang nangingisda sa pamamagitan ng sibat o spearfishing ang isang mangingisda, ay nakita nito ang nasabing drum na lubog sa ilalim ng dagat sa mismong docking area ng nasabing pier.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Dahil sa kuryusidad, binuksan nito ang drum at dito na tumambad ang mga buto ng tao.

Agad na humingi ng assistance ang Sorsogon City Police Station sa Provincial Forensic Unit na agad namang prinoseso ang mga kalansay upang madetemina ang kasarian nito at kung kailan nangyari ang krimen.

Samantala, dahil sa viral na post ng Brigada News, isang indibidwal ang agad na nakipag-ugnayan at kinuwento nito na ang kanyang ama ay pinasalang 30 taon na ang nakakaraan sa lalawigan ng Albay.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Ayon umano sa kasamahan ng kanyang ama na nakatakas, isinilid ang kanyang ama sa drum at itinapon sa dagat. Nagbabakasali ito ngayon na baka ang natagpuang kalansay sa loob ng drum kahapon ay ang kanyang ama.

Bagama’t tanggap na ng kanilang pamilya na wala na ang kanilang ama, ipinagdadasal nila na sana ang mga kalansay ay sa kanilang ama para magkaroon na ng ‘closure’ ang kanilang pangungulila at pagdadalamhati.