DSWD, inabutan na ng tulong ang mga survivors at pamilya ng Binangonan tragedy

Hinatiran ng tulong ng Department of Social Welfare and Development – CALABARZON at ilang concerned agencies ang mga survivors at pamilya ng mga biktima ng tumaob na pampasaherong bangka sa Binangonan, Rizal noong Huwebes.

Maliban dito ay inaasahan ding mas ie-extend pa ng DSWD ang financial assistance para sa mga apektadong kaanak, maging ang pagbibigay ng psycho-social at counselling session sa mga nakaligtas sa insidente, at sa naiwang pamilya ng mga nasawi.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Matatandaang batay sa inisyal na ulat ng Philippine Coast Guard, 26 ang patay matapos ang pagtaob ng MBCA Princess Aya, habang nasa 40 naman ang nakaligtas.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Samantala, sinabi ni Philippine Coast Guard Commandant Artemio Abu, hindi pa rin nila masasabi kung may pagkukula nga ba ang mga nakabantay sa istasyon ng Binangonan port, dahilan para dumaan sa imbestigasyon ang insidente.
#