Umano’y offshore accounts ni COMELEC Chairman Garcia, isinapubliko ng isang kongresista

Pinangalanan na ni SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta si COMELEC chairperson George Garcia bilang ‘di umano’y ‘listed owner’ ng mga offshore bank accounts sa Cayman Islands.

Sa isang pulong balitaan – isiniwalat ni Marcoleta ang mga dokumentong makapagpapatunay ‘di umano’ na sangkot ang isang ‘George Erwin Mojica Garcia’ sa naturang mga transaksyon.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Dalawa ito mula sa 49 offshore accounts na una nang naisawalat.

Ipinakita niya ang mga resibo ng bank transactions na may accounts na nagtatapos sa numbers 0750 at 8562.

Ang nangyari – nag-deposit umano ng tig-$100 ang mga volunteers at dito na nakita ang naturang pangalan ng poll body chief.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Panawagan ni Marcoleta – mag-resign na ang opisyal.

Naghain na rin siya kahapon ng House Resolution 1827 para imbestigahan ang mga naturang alegasyon.

Kung maaalala – Una nang tiniyak ni Garcia na handa asiyang maimbestigahan.

Nag-submit na rin ito ng waiver para masiyasat ng AMLC ang kaniyang bank accounts.