LEGAZPI CITY- Tinalakay ng Environmental Management Bureau (EMB) Bicol ang kahalagahan at pamamahala ng tubig sa lupa, kasabay ng paggunita ng Philippine Water Week ngayong buwan ng Marso.
Ayon kay Jacinth Tacuyan, Information Officer II, Chief of Environmental Education and Information Unit ng EMB Bicol, ang programa ay pinamagatang “Water Down Under Importance and Management of Groundwater” na dinaluhan ng 97 participants via MS Team.
Dinaluhan ang programa ng iba’t ibang tagapagsalita mula sa Department of Health (DOH), Mines and Geosciences Bureau, National Water Resources Board, Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Centre of Excellence in Molecular Biology, kung saan tinalakay ang groundwater management, regulation at permit na dapat kunin na requirements kapag gagamit ng groundwater.
Ang Philippine Water Week na ginugunita simula Marso 21 hanggang 27 ay inaayon rin sa pangkalahatang World Water Day noong Marso 22 na may temang “Groundwater: Making the Invisible Visible”.
Asahan pa sa mga susunod na araw ang iba’t ibang programa ng ahensya patungkol sa selebrasyong ito.