Ilang senador – gustong isailalim sa military training ang mga criminology students

Nilinaw ni Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones, Chairperson, Senador Francis Tolentino na hindi niya iminumungkahi sa kanyang mga naunang pahayag ang paglaban sa China.

Ito ay sa kabila ng patuloy na pangha-harass o pambubully ng China katulad nalang ng bago nitong pambobomba ng tubig sa mga barko ng Pilipinas.

Anya, ang desisyon sa pagresolba rito ay dapat magmula sa presidente at hindi sa kanya.

Ngunit kung siya umano ang tatanungin ay dapat ng palakasin ng bansa ang civil defense nito sa pamamagitan ng pagre-reinstate sa Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program.

Maliban pa roon, iminungkahi rin niya ang pag-undergo sa military trainings ng mga criminology students at maging pagpapalakas sa mga maritime group, navy at coast guard ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *