PCADG CALABARZON, naglabas ng tips upang makaiwas sa disgrasya ngayong tag-ulan.

Naglabas ng ilang paalala ang Police Community Affairs and Development Group CALABARZON hinggil sa mga dapat gawin para makaiwas sa anumang sakit at disgrasya ngayong tag-ulan.

Ilan sa kanilang paalala ay huwag kalimutan ihanda ang payong tuwing lalabas ng bahay at ugaliin ang pagsusuot ng damit na angkop sa malamig na panahon at buhos ng ulan.

Siguraduhin din laging nakahanda ang gamit pang-emergency at manatiling nakatutok sa balita para sa anunsyo PAG-ASA.

Huwag din kalimutan na alamin ang mga emergency numbers na maaaring tawagan sa oras ng pangangailangan kagaya ng kani-kanilang Municipal at City Disaster Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *