DSWD, balik na sa pagbibigay ng guarantee letter para sa medical assistance

Ibinalik na ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang pagbibigay ng guarantee letter sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.

Sa anunsyo ni DSWD Asst. Secretary at Spokesperson Irene Dumlao, pwede na ulit maka request ng guarantee letter ang mga nangangailangan ng medical assistance at funeral expenses.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Basta’t siguraduhin lang na kumpleto ang mga kinakailangang papeles at ID, para sa mas mabilis na pag proseso ng kanilang request.

Nabatid na nitong Disyembre, pansamantalang itinigil ng DSWD ang pamimigay ng guarantee letter, upang bigyang daan ang annual liquidation.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Samantala, kung nag resume ang guarantee letter nitong January 2, kasabay naman nito ang pansamantalang pag suspendi sa provision of outright cash sa ilalim pa rin ng AICS.

Ito’y habang inaantay ang pag-download sa pondo ng ahensya para sa taong 2024.