Kadalasang dahilan ng sunog sa kabikolan, tinukoy ng BFP Bicol

LEGAZPI CITY- Tinukoy ng Bureau of Fire Protection (BFP) Bicol ang mga madalas na nagiging dahilan ng sunog sa rehiyon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Chief Public Information Unit Insp. Liezel C. Lo, batay sa kanilang 2021 record, ang kadalasang dahilan ng sunog ay may kinalaman sa electric wires at kitchen fires, o ang mga problema sa gas at cooking stoves.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Paalala ng BFP, upang makaiwas sa mga sunog, ugaliing bantayan ang mga niluluto sa kusina at iwasan ang paggamit ng extension chords at octopus wiring.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Dagdag pa nito, dapat ding ilayo sa mga bata ang mga bagay na maaaring maging dahilan ng pagkasunog.

Kaugnay nito, ipinagdiriwang ngayong buwan ng Marso ang Fire Prevention Month kung saan may mga programang ilulunsad ang BFP.