Kabuhayan ng mga mangingisda sa Bataan, Bulacan at Pampanga – posibleng maapektuhan ng oil spill

Pinakikilos na agad ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga gobernador ng Bulacan, Bataan at Pampanga upang tukuyin ang mga posibleng maapektuhan ang kabuhayan dahil sa oil spill sa Limay, Bataan.

Una rito, bagaman nasa maayos pa naman daw ang water quality, nagbabala na rin ang Department of Environment and Natural Resources o DENR sa mga mangingisda at oyster farmer sa Bataan na posibleng maapektuhan pansamantala ang kanilang kabuhayan.

Read More:  Pangilinan investigates alleged abuse of the Sagip Saka Law

Kaugnay nito, pinahahanda rin ng Pangulo ang Department of Social Welfare and Development para maalalayan ang mga apektadong residente sa pamamagitan ng AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situation.

Read More:  14 countries stand behind Philippines on landmark South China Sea arbitral ruling

Nabatid na bumuo na ng inter-agency task force si Pangulong Marcos na tututok sa oil spill sa Bataan.