Kabayanihan ng 15 Martires sa Bicol, inalala

NAGA CITY – Muling sinariwa kahapon ang kabayanihan ng labinlimang mga Martir sa Bicol Region.

Ang 15 Martires na ito ay binubuo ng mga pari, guro, propesor, empleyado ng gobyerno at iba pa kung saan ang labing-isa  sa kanila ay dinala sa Bagumbayan na ngayon ay Luneta Park upang patayin tulad kay Dr. Jose Rizal noong 1897 , ang apat ay bunawian ng buhay sa piitan.

Sinasabi sa mga nailathala sa kasaysayan na dahil ito sa maling akusasyon. Sila ay dinakip at nilitis ng Komisyong Militar noong 1896 sa bintang nangunguna sa rebelyon o gumagawa ng mga bagay na nakakasira sa pamamahala ng España.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Kasama sa mga umalala si Bryon Jose M. Barrameda, Descendant Sovereign Grand Inspector General, 33rd and Last Degree Ancient and Accepted Scottish Rite Freemasonry, ang naging kontribusyon ng kanyang mga great – grandparents na kabilang sa 15 martires na sina Fr. Gabriel Prieto at Don Juan Prieto.

Ang pagiging local heroes ng 15 martires ay taunang inaalala sa Naga bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga ito sa panahon ng Kastila.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Anya’y hindi naman nasayang ang kabayanihan ng mga ito, ang pagbuwis ng buhay laban sa mga dayuhan dahil sa kalayaang tinatamasa ngayon ng bansa.

Ang monumento ng 15 Martires ay matatagpuan sa centro ng Naga.

Ang ika-126 Commemoration of the Martyrdom ay dinaluhan ng mga opisyal ng Naga, mga institusyon at mga guro.