Mga batang social media users sa Naga City kabilang sa mga pasyenteng may problema sa mata

NAGA CITY – Nagpapakonsulta sa city health office ang mga magulang na may mga anak na may problema sa mata na ang itinuturing isa sa dahilan ay ang sobrang paggagamit ng mga ito ng gadget tulad ng cellphone na halos abutin ng madaling araw lalo na ngayong bakasyon at nasa bahay lang ang mga ito.

Ilan sa mga batang ito ay namamaga ang mga mata at mapupula pa palatandaan na kulang sa tulog na tiyak mag reresulta sa karagdagan nilang sakit at makakaapekto sa kanilang mental development na dapat limitahan sana ang pag gamit.

Sa paliwanag sa Brigada News Fm Naga ni Magno Reyes, registered nurse at in charge sa Mental Health Division ng city health office, agad namang binibigyan ng agarang aksyon ng kanilang mga personnel ang mga bata at ni re-refer sa mga espesiyalista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *