Justice Sec. Remulla: Hindi magkakaroon ng crisis ang PH sa desisyon ng ICC

Siniguro ng Department of Justice (DOJ) na hindi magkakaroon ng constitutional crisis ang bansa matapos tuldukan ng Pilipinas ang relasyon sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin Remulla, hindi papayagan na makapanghimasok ang ICC sa sovereignity, gayundin sa kalayaan at pagiging demokratiko ng Pilipinas.

Read More:  Ridon calls for probe into pro-Duterte, pro-China personalities

Kaugnay nito, ipinaliwanag din ng kalihim na 2011 pa noong pumasok sa Rome Statute ngunit umalis ang Pilipinas sa ICC dahil hindi na nakakabuti sa bansa ang ganitong relasyon.

Read More:  Tulfo seeks persona non grata move against Chinese Ambassador Jing Quan

Samantala, hindi na pinansin ng ahensya ang pahayag ng human rights swatch hinggil sa pakikialam ng ICC sa pamamalakad ng bansa dahil konektado ito sa National Democratic Front.