Nagpaalala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa publiko na mag-ingat kontra sa mga scammers.
Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy, maghahabol ang mga ito bago ang extended deadline ng SIM Card registration sa July 25.

Sinabi rin ni Uy na maging alisto pa rin ang mga Pilipino sapagka’t may posibilidad na lumipat ang mga scammers sa ibang plataporma dahil gagawin nito ang lahat para makapagloko ng tao.
Samantala, tatlong araw na lang bago matapos ang ‘extended deadline’ ng SIM card registration at pinaalalahanan ni DICT Chief Uy na wala nang extension na ipapatupad ang ahensya.