Julie Anne San Jose bagong calendar girl ng isang liquor brand

Maraming nagulat nang ipakilala ang singer at aktres na si Julie Anne San Jose bilang 2025 calendar girl ng isang liquor brand.

Komento ng ilang netizens, hindi nila inaasahan na si Julie Anne ang panibagong calendar girl dahil sa kaniyang sweet at wholesome image na ngayon ay nasa sexy era na.

Ayon sa singer, nae-excite siya nang ipakita ang layout ng naturang kalendaryo dahil bagong milestone ito sa kaniya.

Mababatid ngayong 2024 ang artistang si Heaven Peralejo ang napili noong calendar girl.