Itinuturing na pinakamaliit na isla sa buong mundo ang “Just Room Enough Island”
Kabilang ang island na ito sa 1,864 na bumubuo sa Thousand Islands.
Ang Just Room Enough Island ay nabili ng Sizeland family noong 1950s para gawing holiday getaway.

May sukat lamang ito na 3,300 square feet o 310 square meters na kasinglaki lang ng isang tennis court.
Ang naturang isla ay malakas humatak ng interes ng mga turista. Naging dahilan umano ito para kumita pa ang may-ari ng isla.