#JolinaPH, nagdulot ng malawakang pagbaha sa Luzon, Visayas

Inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na pumapalo sa halos 11,000 katao sa Luzon at Visayas ang nawalan ng tirahan dahil sa Severe Tropical Storm Jolina.

Sa ulat ng NDRRMC, sa ngayon, waa pa naman naitatalang sugatan o nawasi dahil sa bagyo.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Ibinahagi naman ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na 22 bahay ang partially damaged sa Bicol at Western Visayas, habang dalawang ang totally damaged.

Maliban dito, napaulat rin ang mga pagbaha sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Samantala, nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ng malakas na ulan sa ilang lugar sa Luzon hanggang bukas. // MHEL PACIA-TRINIDAD