Batangas Police Provincial Office, naglabas ng Anti-Robbery Tips

Batangas City – Nagbigay ng ilang paalala ang Batangas Police Provincial Office o BPPO sa publiko ukol sa kung paano maiiwasan na mabiktima ng mga kawatan.

Ayon sa mga awtoridad, tiyakin laging nakakandado ang lahat ng pinto at bintana upang maiwasan ang insidente ng pagnanakaw.

Kung maaari rin ay mag-iwan ng nakabukas na ilaw sa labas lalo na sa madidilim na parte ng bahay.

Anila, mas mainam kung may burglar alarm upang maalerto ang mga kapitbahay kung may pumasok sa kabahayan.

Ang paglalagay din anila ng CCTV ang mabisang paraan upang bantayan ang mga ari-arian.