Pinaaalalahanan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang mga motorista na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga private car sa EDSA busway.
Ayon sa alkalde, ang mga paglabag nito ay may kaakibat na multa sa first offense ay P5K, 2nd offense ay P10K na may 1 buwan na suspensyon ng lisensiya at road safety seminar.
Sa ikatlong offense naman ay pagmumultahin ng P20K at 1 taong suspensyon ng lisensya; habang sa ika-apat na offense ay P30K na may rekomendasyon sa LTO na bawiin ang lisensiya.
Samantala, inaanyayahan ni Zamora ang publiko na subukan ang carpooling o ang pagsasakay ng mga kaibigan o ka-trabaho at kakilala sa mga may-ari ng sasakyan.
