Job order employees at contract of service workers sa gobyerno target ng SSS na i- enroll lahat sa KaSSSanga Collect program

CAMARINES NORTE РTarget ng Social Security System (SSS) na mai- enroll lahat ang mga job order employees at contract of service workers sa gobyerno sa KaSSSangga collect program para  sa kanilang social security protection.

Ayon kay Atty. Danilo Ayo, Attorney III ng SSS Luzon Bicol Division, isa ito sa bagong programa ng ahensiya  na nagllalayong i- cover ang mga JO at COS employees bilang self- employed member sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement.

Ang mga ito daw kasi ay hindi covered ng Government Service Insurance System (GSIS) dahil sa kanilang employment status.

Binigyang diin ni Ayo na kailangan din nila ng social security protection tulad ng iba pang mga empleado.

Mababatid na nitong mga nagdaang araw ay inineroll din ng SSS ang mga nasa informal sector tulad ng mga Barangay Workers dito sa Camarines Norte para magtamasa din ng mga benepisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *