Konstruksyon ng Lalawigan to Lanot Road sisimulan na sa lalong madaling panahon

CAMARINES NORTE – Sisimulan na sa lalong madaling panahon ang konstruksyon ng Lalawigan to Lanot Road, ang dalawa sa pinakamalayo at dulong Barangay ng Mercedes, Camarines Norte.

Noong Biyernes, April 26 ay ginawa ang Ground Breaking Ceremony bilang hudyat ng pagsisimula ng proyekto. Ang ground breaking ceremony ay pinangunahan ng Department of Public Works and Highways kasama ang mga opisyal ng LGU sa pangunguna ni Mayor Alexander Pajarillo. Dumalo rin ang mga opisyal ng Barangay sa aktibidad.

Batay sa program of works ng DPWH sisismulan ngayong taon ang proyekto at inaasahang matatapos sa loob ng mahigit isang taon. Malaking tulong ang proyekto lalo na sa mga residente na matagal nang uhaw sa isang maayos na kalsada. Malaking tulong din ito sa pag- promote ng turismo sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *