JICA at DOTr nilagdaan ang kasunduang tutugon sa problema sa transportasyon sa NCR

Nilagdaan na ng Department of Transportation (DOTr) at ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang isang kasunduan na naglalayong maghanap ng mga solusyon para mapabuti ang transportasyon sa kalsada ng National Capital Region (NCR) at mga karatig na lugar nito.

Ito ay tatakbo sa loob ng tatlong taon hanggang 2027, sa ilalim ng proyekto ng JICA.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ayon sa DOTr, magsasagawa ang JICA ng capacity development training para sa DOTr upang masuportahan ang pagpapatupad ng ahensya ng mga sistema ng pampublikong transportasyon sa kalsada.

Samantalang, tutulungan naman ng Japanese aid agency ang Transportation Department sa pagpaplano ng ruta, pagpapabuti ng intermodal facility, at pagsubaybay sa antas ng serbisyo.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Kabilang sa proyektong ito ay ang, Public Transport Modernization Program (PTMP), EDSA Busway, Active Transport Program, at EDSA Greenways Projects, na inaasahang magtataguyod ng paggamit ng pampublikong sasakyan at makatulong sa pagpapagaan ng trapiko. (BRIGADA NEWS INTERN ANGELINE MESINA)