SB19, Favorite Asian Act sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards 2024

Kinilala ang P-POP Kings na SB19 bilang Favorite Asian Act sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards 2024.

Ang grupo, na binubuo nina Pablo, Stell, Josh, Justin, at Felip.

Nagpahayag ng pasasalamat ang grupo sa mga tagahanga at sa Nickelodeon sa social media at binigyang-diin ang karangalan ng pagrepresenta sa Pilipinas.

Read More:  Kris Aquino open to public service, hopes to become DOH secretary

Tinalo ng SB19 ang K-pop group na ENHYPEN, Malaysian singer na si Iman Troye, Japanese girl group na NiziU, at Indonesian vocalist na si Tiara Andini.

Kanya-kanya naman pasasalamat ang bawat isa sa grupo at sinabi na ang pag-kapanalo ay isang mahalagang tagumpay para sa mga Pilipinong mang-aawit, kasunod ng pagkapanalo ni Jake Zyrus noong 2012.

Read More:  Several showbiz personalities defend Alden Richards amid allegations by Xian Gaza

Kamakailan ay inilabas ng SB19 ang kanilang comeback track na “Moonlight,” at ang Kids’ Choice Awards ay magkakaroon ng mga encore telecasts sa July 18 at July 20. (BRIGADA NEWS INTERN JESSA QUIROZ)