Jasyon Castro, pinangunahan ang naipanalong laro ng TNT kontra Alaska

Pinangunahan ng veteran guard na si Jayson Castro ang naipanalo ngunit dikit na laro ng TNT Tropang Giga laban sa Alaska na nagtapos sa 81-77.

Naitala ng 35-anyos na si Castro ang team-high 20 points, six assists, five rebounds at one block sa loob ng 37 minutong paglalaro.

Read More:  Alex Eala advances to Round of 16 in Hong Kong Open

Sa ikaapat na quarter kung saan ay lamang ng apat na puntos ang Alaska, ay nakagawa ng lay-up si Castro bago ito naitabla ni Kelly Williams sa 73-all.

Read More:  Alex Eala advances to Hong Kong Open semifinals after defeating Croatia’s Antonia Ruzic

Naselyohan naman ng TNT ang panalo matapos umiskor ni Castro ng limang karagdagang puntos.