Biden, nagbabala kaugnay sa paparating na ‘winter of severe illness and death’

Nagbabala si US President Joe Biden na darating ang tinawag nito bilang “winter of severe illness and death” para sa mga hindi pa bakunado kontra COVID-19.

Inihayag ito ni Biden matapos tukuyin ng G7 ang Omicron variant bilang pinakamalaking banta sa global public health.

Kamakailan lamang sa Britain ay naitala ang mahigit 88,000 na bagong COVID-19 infections, na ikalawang sunod na bagong record sa naturang bansa.

Dahil diyan ay nagpatupad na muli ang France ng mga bagong limitasyon para sa mga byahe na papuntang UK.

Sa ngayon ay hindi pa nakatitiyak ang mga scientists kung gaano kadelikado ang higly mutated Omicron variant, ngunit base sa mga maagang datos, ay tila mas resistant ito sa mga bakuna at mas nakahahawa kumpara sa Delta variant.