Binibigyan lang ng strawweight title contender na si Jarred Brooks si ONE strawweight world champion Joshua Pacio ng maliit na tsansa na matalo siya, sa kanilang paghaharap sa loob ng cage para sa ONE 164 sa December 3 sa Mall of Asia Arena.
Para sa dating UFC fighter na may professional record na 19-2, nasa 20% lang umano ang pag-asa ni Joshua na talunin siya.
Kaugnay nito, nangako si Brooks, na nasa ‘tip-top’ shape na umano siya, tatlong linggo ang natitira para sa inaabangang laban.

Ang Team Lakay representative, ay roadblock para sa kanyang lifelong goal na maging world champion.
Giit ni Jarred, wala na umanong makakapigil sa kanya para sa naturang pangarap, kung kaya’t gawin nalang ni Pacio ang mga plano nito para sa laban, para umano talunin siya. //MHEL PACIA