Zelenskiy, binisita ang Kherson matapos ang pagretreat ng Russia

Binisita ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy ang bagong kalalaya lang na Kherson city, kasunod ng pag-withraw na ng Russian forces mula sa naturang strategic hub.

Ayon kay Zelenskiy, nadiskubre ng Ukrainian forces ang mga ebidensya ng daan-daang bagong “war crimes” na ginawa ng Russian occupiers.

Mababatid na ang Kherson ang unang major urban hub na napasok ng Russia noong Pebrero.

Ang lubusang pagkakabawi nito ay nagbukas ng mga lagusan para sa Ukraine sa buong Kherson region, kung saan may access na muli sila sa parehong Black Sea sa west at sa Sea of Azov sa east.

Ang naturang rehiyon ay isa sa apat na inanunsyo ng Kremlin noong Setyembre na isinailalim sa annexation at bahagi na ng Russia. //MHEL PACIA