Ilang residente sa Canada, apektado dahil sa isang malawakang wildifire

Hinihimok ng mga awtoridad ng Canada ang lahat ng natitirang residente sa British Columbia na lumika kaagad matapos masunog ang malaking bahagi ng Fort Nelson town dahil sa Wildfire.

Dumoble na kasi ang sakop nito dahil umabot na sa sa humigit-kumulang 17 square kilometers.

Naglabas na rin ng alerto ang mga awtoridad sa Alberta tungkol sa isang sunog na halos 25 kilometro ang layo sa oil sands city ng Fort McMurray at maaaring makaapekto sa visibility sa mga highway sa ilang lugar.

Wala pang evacuation order na ibinigay sa ngayon para sa mga residenteng maaapektuhan at lilikas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *