Good news para sa mga naghahanap ng trabaho sa susunod na taon.
Naghahanap ngayon ang Japan ng skilled workers tulad ng welder.
Sinabi ng DMW na umaasa ang gobyerno ng Saskatchewan, Canada na mapipirmahan ng Pilipinas sa susunod na taon ang kasunduan para sa recruitment ng Pilipino workers.
Ang lalawigan ng Nova Scotia sa Canada, kailangan din ng 300 nurse kada taon.
Target ng DMW na maging numero unong bansa ang Pilipinas sa pagpapadala ng manggagawa sa Japan kaya inilunsad nila ang Japan Desk na tututok sa pagkuha ng mga Pilipino worker na ipadadala roon.
Kabilang sa mga manggagawa na kailangan ay para sa sektor ng agrikultura, hospitality, manufacturing, at mga care worker.
Kasama naman sa mga requirement sa mga pagtatrabaho sa Japan ay dapat marunong magsalita ng kanilang wika kaya may inaalok din na language proficiency training ang TESDA.
Nagbabala naman ang DMW sa publiko na huwag patulan ang mga trabaho sa abroad na inaalok sa mga illegal recruiter.