Dedma lang si Janice de Belen sa kumalat na tsismis na nabuntis umano ang kanyang anak na si Inah de Belen ng kasintahan nitong si Jake Vargas.
Nabatid na lumutang ang naturang usap-usapan, matapos na hindi na nakikita si Inah dahil sa pandemya.
Ayon kay Janice, hindi na siya nasurpresa, lalo’t sa panahon ngayon ang pagbubuntis ay mahirap itago dahil sa social media.
Pero para sa aktres, totoo man o hindi ay walang problema ito lalo nasa 30s na ang edad ng kanyang anak.
Giit pa nito, na wala raw siyang karapatan na i-judge ang kanyang anak dahil siya nga raw ay 18 pa lang ay nabuntis na.
Si Inah ang panganay sa apat na anak ni Janice sa dating asawang si John Estrada.
