Ryza Cenon, nakatanggap ng P120,000 water bill sa kabila ng mga service interruptions

“Ano kami, may carwash?

Ito pambungad na tanong ni Ryza Cenon sa gitna ng labis na pagkadismaya matapos makatanggap ng water bill na nagkakahalaga sa P120,000, sa kabila umano ng mga nararanasang water service interruptions.

Read More:  Maricel Soriano, Maris Racal and McCoy De Leon bag top acting honors at 74th FAMAS Awards

Kaugnay nito, ipinakita ng aktres ang naturang bill notice at ikinumpara ito mula sa kanilang mga nakaraang water consumption, sa pamamagitan ng kanyang Facebook page.

Kwento pa ni Ryza, na mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga ay nawawalan na ng tubig sa kabila, at sobrang hina din naman umano ng tulo mula alas 5 a.m. hanggang alas 9 p.m.

Read More:  Yeng Constantino gives fans a glimpse of dream house with husband Yan Asuncion

Samantala, agad naman na tumugon ang water company, at nangakong magre-reach out sa aktres hinggil sa naturang usapin.