James Ried ayaw nang makatrabaho si Nadine

Diretsahang sinabi ng aktor at singer na si James Ried na hindi na siya tatanggap ng proyekto kasama ang ex-girlfriend at love team na si Nadine Lustre.

Ito ay bilang respeto aniya sa kaniyang girlfriend na si Issa Pressman

Umaasa rin si James na sana ay maka-move on na ang mga tao sa kanilang paghihiwalay ni Nadine at itigil na ang pamba-bash sa kanila lalo’t naaapektuhan nito ang kanilang mental health.

Gayunpaman, inanunsyo ng aktor na magpapatuloy pa rin siya sa pag-arte at pagpo-pokusan niya ang music.