Jake Paul, nangakong ina-knock out si Silva

Nangako ang YouTuber turned boxer Jake Paul na patutumbahin nito si UFC middleweight world champion Anderson Silva, sa oras na magkaharap sila sa ring sa October 29 sa Gila River Arena sa Arizona, USA.

Ayon kay Paul, na may 5-0 record at apat na knockouts bilang prizefighter, na lumaki siyang pinanonood si Silva na lumalaban.

Inamin din nito, na iniidolo niya ang mixed martial arts legend.

Samantala, si Silva naman ay nakikitang may malaking advantage parin kay Paul sa kabila ng pagiging 47 anyos na nito.

Mababatid na noong nakaraang taon, nang magretiro ito mula sa MMA at nag-transition sa boxing, kung saan may hawak ito na record ngayon na 3-1 with 2 knockouts.