Heart Evangelista, nalilink umano sa isang Italian guy?

Mas lalong naging curious ang mga fans kaugnay sa breakup speculations sa pagitan nina Heart Evangelista at Sen. Francis “Chiz” Escudero, matapos lumabas ang ulat na umano’y naglilink sa aktres sa isang hindi pa pinangalanang Italian guy.

Mababatid na hanggang sa ngayon, walang kumpirmasyon o pagtanggi sa panig ni Heart at ni Chiz kaugnay sa kanilang relasyon.

Ito ay matapos na tinanggal na ng aktres ang apelyado na Escudero sa kanyang Instagram profile.

Una nang ring inamin ni Evanglista, na may personal siyang pinagdadaanan ngayon.

Kamakailan, nagpost ito ng painting na tila umiiyak.