Inamin ni Iya Villania na kinakabahan siya sa ika-limang pagbubuntis sa kanilang anak ni Drew Arellano, lalo na’t hindi na siya bumabata (38 years old).
Ngunit sa kabila nito, tiwala siya siya sa kakayahan ng kanyang katawan na lampasan ang pagbubuntis na ito.
Lubos niya rin kasing pinaghahandaan ang kanyang panganganak, tulad ng pagwo-workout at pagkakaroon ng tamang mindset.
Hopeful si Iya na magin smooth ang pregnancy, tulad ng kanyang karanasan sa naunang apat na anak.
Kung maalala, inanunsyo nila Iya at Drew ang kanilang ikalimang pregnancy noong Setyembre, kasama ang kanilang mga anak na sina Primo, Leon, Alana, at Astro.