Binatilyo sa Baguio City, nalunod matapos magtangkang magnakaw ng bisikleta

Nalunod naman ang isang 16-anyos na binatilyo sa Baguio City, tinangkang umanong magnakaw ng bisikleta kasama ang isang 10-anyos na batang lalaki.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Ayon sa imbestigasyon, isang construction worker ang nakakita sa kanila kaya sinita ang dalawa. Sa kanilang pagtakas, tumalon sila sa isang kalapit na creek.

Nakaligtas ang 10-taong-gulang, ngunit nasawi ang 16-anyos na binatilyo at hindi na umabot nang buhay sa ospital.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Patuloy pang kinukuha ang pahayag ng pamilya ng biktima.