BNFM BICOL -Tumanggap ng pagkilala sa National Level ang matagumpay na implementasyon ng programa ng DOST-BICOL na Innovations for Women Entrepreneur (iWOMEN) sa rehiyon.
Dahil sa matagumpay na regional pilot implementation, ikinokonsidera ang nationwide rollout ng naturang programa.
Ibinida ang tagumpay ng programa sa isinagawang “iWomen: pioneering Innovations for Women Enterpises” sa Legazpi City, Albay na dinaluhan ng mga miyembro ng DOST-wide Gender and Development (GAD) Focal Point System at Philippine Science High School Campuses, iWOMEN beneficiaries, at Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) women-beneficiaries.
ipinagdiwang ang husay at pagsasakatuparan sa mga pangarap ng 12 kababaihan sa rehiyon.
Naging tulay kasi ang programa sa pagsasakatuparan nga mga pangarap ng 12 kababaihan sa rehiyon kung saan napagkalooban ang mga ito ng technological interventions upang mas malinang ang kakayanan sa pagnenegosyo at makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya.
Samantala, nagkaroon naman ng two-day training session ang mga miyembro ng DOST Regional Offices at Philippine Science High School Campuses bilang paghahanda sa nakatakdang pagpapalawak ng programa sa buong bansa. ### Pauline Manga, Intern
Image: DOST Bicol