NAGA CITY – Nagdulot ng pagka-abala sa road widening o patrabaho sa may Balatas at Cararayan, Naga City, ang pansamantalang itinigil na pagpapaputol ng puno sa naturang lugar o road clearing.
Sa panayam kay Alex San Jose, Officer In Charge, – Chief Watershed Management Division ng City Environment and Natural Resources, nag-expire na ang permit na ibinigay sa Lokal na Pamahalaan, nang hindi natapos ang pagpuputol sa mga nakaharang na mga puno, kaya ngayon humingi muli sila ng permit for extension sa Community Environment and Natural Resources o CENRO Iriga na nasasakupan ang opisina, at hanggang ngayon ay hinihintay pa nila.
Maliban pa riyan una na ring naabala noon ang patrabaho sa lugar dahil sa ilang reklamo ng ilang residente, dahil umano sa walang abiso o paalam ang opisina sa ilang residenteng maaapektuhan na samantalang may permit nang hawak ang LGU at sila ay may karapatan.
Ayon pa opisyal, hindi rin maaaring basta na lang mamutol ang isang residente kahit nasa private property kailangan pa rin ng permit at pagsasangguni lalo na’t malaki ang kapakinabangan ng puno sa bawat isa. Maging sa pruning o pagtatanggal sa mga sanga at hakoy na nagdadala na ng panganib o disgrasya kailangan pa rin ng pag-iingat bago tuluyang putulin.