Itatalagang calibrated speed limit para sa implementasyon ng NCAP; pinag-aaralan na

Pinag-aaralan na ng Public Order and Safety Division- Cauayan City ang itatalagang speed limit para sa implementasyon ng No Contact Apprehension Program sa lunsod ng Cauayan.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinimulan na ng kanilang tanggapan noong September 22, 2021 ang 15 days dry run ng NCAP sa lunsod kung saan kasalukuyan umanong pinag-aaralan ang itatalagang calibrated speed limit na naaayon sa kanilang system.

Aniya, pinagtutuunan ng pansin ang rush hour at mga oras na kaunti lamang ang motorista sa daan upang matukoy ang tamang speed limit na itatalaga.

Read More:  ₱876,800 smuggled cigarettes seized; 3 arrested in Lanao del Norte

Halimbawa umano, kapag rush hour ay maaring 40-50 km/h ang speed limit lamang upang maiwasan ang naitatalang vehicular accident.

Ayon pa kay POSD Chief Mallillin, kung ang isang motorista ay lumagpas sa itinalagang speed limit ay mai-rerecord umano ito ng CCTV at sa mga susunod na araw ay makatatanggap na ito ng Notice of Violation.

Habang magpapatuloy naman ang pagbabantay ng POSD personnel at PNP Cauayan sa lansangan upang mahuli ang mga mayroong paglabag sa batas trapiko at iba pa na hindi makukuha ng camera.

Read More:  IBON: Negros produces the most sugar, yet 3rd poorest

Samatala, makikita rin aniya sa camera ang mga sasakyan partikular ang mga cargo trucks na nakaparada sa outer lane ng daan na malinaw na mayroong paglabag o obstruction.

Bukod dito, sa pamamagitan ng NCAP ay maaaring maiwasan umano ang pangongotong ng mga personnel sa mga motorista.

Hinimok naman ni POSD Chief Mallillin ang mga motorista na sumunod sa batas trapiko lalo na umano kapag mayroon nang naitalagang speed limit dahil sa oras na full operation na umano ang NCAP sa lunsod ay 24/7 nang gagana ang mga camera sa daan.