2 Babae, arestado matapos magnakaw sa isang hypermarket sa Cauayan City

Arestado ang dalawang babae sa lunsod ng Cauayan matapos maaktuhang nagnakaw ng grocery item sa isang hypermart pasado alas syete kagabi, September 27,2021.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa PNP Cauayan City, kinilala ang mga suspek na sina Isabel Tocoyo, 25-anyos, walang trabaho at Annabelle Lucar, 29-anyos, walang trabaho at mga residente ng Barangay District II, Cauayan City, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, habang minomonitor umano ni Richard Mark Peralta ang CCTV ng hypermart partikular sa selling area ay napansin nito na noong una’y sa basket pa nilalagay ng mga suspek ang pinapamiling grocery items.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ngunit di magtagal umano ay idinederetso na ng isang babae ang kinukuhang grocery items sa kaniyang shoulder bag habang ang isa nama’y itinatago sa kaniyang damit na nakatack-in.

Matapos umanong magbayad ang dalawang suspek ng iba pa nilang pinamili ay sinabihan na ng CCTV operator ang security guard na inspeksyunin ang dala ng mga suspek.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Dito na nadiskubre ang kay Tocoyo at Lucar ang isang Havaianas slipper (Php 199.00), Pork meat belly (Php 491.20) at isang piraso ng Maggi Savor liquid seasoning (Php 40.80) na napag-alamang hindi kasama sa kanilang sales invoice o resibo.

Agad namang ipinaalam ng security supervisor sa kanilang management ang naturang pangyayari dahilan upang isurrender ang mga suspek sa Cauayan City Police Station.

Sa ngayon ay nasa lock-up cell na ng PNP Cauayan City ang mga suspek habang inihahanda ang kasong theft laban sa mga ito.