Isyu sa politika sa Naga City sa papalapit na Barangay at SK elections umiinit

NAGA CITY -Hindi maitatatwa na may mga isyu politika sa ilang mga barangay sa Naga City dahil sa paparating na Barangay at SK elections ngayong Oktubre.

Tulad na lamang ng iringan ng punong Barangay at SK Chairman sa mga isyung may kaugnayan sa paparating na halalan.

Sa ibang barangay ay may mga pasimple na ring nangangampanya, subalit mas lamang ang mga incumbent officials kung ikukumpara sa ibang mga aspiranteng kandidato.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Kanya-kanya ng parinigan sa paglilibot at may mga programa at aktibidad na ginagawa lalo na ng mga kabataan, kasama ang padrino nilang mga barangay opisyal.

Nakapanayam ng Brigada News FM Naga si Calauag Punong Barangay Corazon Penaflor na siya namang Liga President, sinabi niyang hindi maiiwasan ang ganitong mga sitwasyon sa ngayon na may eleksyon.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sila aniyang mga incumbent barangay officials ang nalalagay sa alanganing sitwasyon na ayon kay Peñaflor kailangan na maging maingat sila lalo na sa mga dinadaluhan nilang mga pagtitipon na may mga picture-taking na nagaganap.

Tulad niya, dapat ituon lamang sa pagtrabaho ang oras para makaiwas sa anumang isyu politika.