Camarines Sur nakapagtala ng 94 kaso ng dengue simula Enero 2023

CAMARINES SUR- Nakapagtala na ng 94 dengue cases ang Camarines Sur mula Enero hanggang nitong Hunyo 17, 2023.

Sa bilang na ito pinakamataas ang Naga City na mayroong 28 cases base sa record ng Department of Health Bicol. Sumunod ang Bula sa walong kaso, anim naman sa Nabua, Sipocot, Pili at Pamplona.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Kung ikukumpra ang datos nitong Hunyo 2023 at  Hunyo 2022, mas mababa ang kaso ngayong taon sa 86%.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Sa San Francisco , Naga City, sinabi sa Brigada News FM Naga ni Punong Barangay Efren Nepomuceno  puspusan ang information drive ng barangay upang maiwasan ang dengue. Bukod sa pagpapanatili ng kalinisan mayroon silang buwanang pagpapa spray.