Israel PM Netanyahu nanindigan na walang makakapagpigil sa kaniya sa pag-atake sa Hamas

Nanindigan si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na walang makakapagpigil sa kaniya para itigil ang pag-atake sa mga Hamas militants.

Ayon kay Netanyahu, kahit nagbitiw na si Israeli war cabinet member Benny Gantz ay hindi ibigsabihin nito na aabandunahin na ang giyera.

Giit ng pa Prime Minister na nakadepende ang kinabukasan ng Israel kapag sila ay nagtagumpay sa laban.

Mababatid na bumaba sa puwesto si Gantz dahil sa hindi na aniya nito masikmura ang mga daing ng mga civilian na naiipit sa giyera sa Gaza.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *