Israel inakusahan ang Iran na responsable sa oil tanker attack

Inakusahan ng Israel ang Iran na nasa likod ng pag-atake sa oil tanker na ikinamatay ng dalawang crew nito na isang British at isang Romanian citizen.

Ayon sa report, ang barko na pinatatakbo ng London-based company na Zodiac Martitime ay nasa karagatan ng Oman sa Arabian Sea nang mangyari ang insidente.

Read More:  9 dead after business jet crashes into residential area in Florida

Kaugnay nito ay tiniyak ng may-ari ng kompanya na si Israeli shipping magnate Eyal Ofer na ginagawa na nila ang lahat para matukoy kung ano ang tunay na nangyari.

Sinabi naman ni Israeli Foreign Minister Yair Lapid na dapat isisi sa Iranian terrorism ang pangyayari.

Read More:  BAYAN prepares a ‘hot’ welcome for Trump ahead of his expected Philippine visit

Dito nanawagan si Lapid na hindi dapat manahimik ang mundo sa nangyari dahil hindi solong problema ng Israel ang Iran.

Nananatili namang walang pahayag ang Iran hinggil sa nasabing alegasyon.