Isang wala ng buhay na sanggol natagpuan sa masukal na lugar sa bayan ng Santa Elena Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Kalunos-lunos ang sinapit ng isang sanggol matapos itong matagpuang wala ng buhay sa isang masukal na lugar sa Purok-2, Brgy. Santa Elena (Poblacion), bayan ng Santa Elena dakong alas 2:00 ng hapon nitong Enero 26, 2022.

Ayon sa ulat mula sa Sta Elena MPS, isang 10 anyos na bata ang nakadiskubre sa bangkay ng kaawa-awang sanggol na napag-alamang babae ang kasarian.

Matapos ang pagkakadiskubre sa kaawa awang sanggol ay agad na nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng nasabing himpilan sa mga residenteng malapit sa lugar pati na rin sa Municipal Health Office

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Nakipagugnayan rin ang mga otoridad  sa mga opisyales ng barangay upang matukoy ang posibleng ina ng sanggol na inabandona base sa sa kanilang talaan ng mga buntis sa bawat barangay sa nasabing lugar.

Humihingi ngayon ng tulong ang CNPPO sa pamamagitan ni Provincial Director PCOL Julius guadamor sa mga residente sa lugar na makipagtulungan sa kung sinuman ang nakakaalam ng impormasyon para sa ikatutunton sa posibleng ina ng sanggol na walang awang iniwan.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ayon pa sa opisyal, Isang taong walang konsenya lamang ang kayang makagawa ng mga ganitong bagay

Kung matatandaan, nitong nakatalikod na ika-29 ng Disyembre ay napaulat rin ang isang patay na sanggol na natagpuan kadikit ng kanyang inunan sa isang pampublikong palikuran sa bayan ng Labo, Camarines Norte alas 9:00 ng umaga nitong Disyembre 29, 2021.