Isang travel agency na ilegal na nag-aalok ng trabaho sa Europa, ipinasara ng DMW sa Mindanao

Isang travel agency ang ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Initao, Misamis Oriental matapos madiskubre na sangkot sa illegal recruitment.

Ayon sa DMW, ang Jonieza Joy Travel and Tours ay walang lisensya at ilegal umanong nag-aalok ng trabaho sa Europa gaya ng Poland bilang Welders, Electrician, Locksmiths, Greenhouse Workers at iba pa na may buwanang sweldo na P35,000-P40,000.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Bukod dito, may bonus pa, night shift differential, libreng medical exam at pagkain.

Nangangako umano ang travel agency na mapapaalis ang mga aplikante sa loob ng 5 hanggang 8 buwan, kapalit ng P190,000-P230,000 na processing at placement fee.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Kaakibat ng pagpapasara ng DMW ang rekomendasyong pagkansela ng business permit at pagpapawalang-bisa ng registration nito sa DTI.

Mahaharap ang may-ari at mga opisyal na sangkot sa kasong illegal recruitment committed by a syndicate na may parusang life imprisonment at multang Php 2M hanggang Php 5M.