Hindi bababa sa P2.5-M halaga ng ilegal na droga, nasabat sa isang linggong operasyon ng SPD

Ipinagmalaki ng Southern Police District ang pinakahuling tagumpay nito sa paglaban sa iligal na droga.

Ito ay matapos nilang masabat ang mahigit P2.7M halaga ng iligal na droga sa kanilang isang linggong operasyon sa buong Southern Metro Manila.

Read More:  NMC condemns presence of Chinese research vessels in WPS

Mula June 19 hanggang June 25, nakapagsagawa sila ng mahigit 40 operasyon kung saan nakahuli sila ng 58 indibidwal at nakumpiska sa mga ito ang nasa mahigit 400 gramo ng hinihinalang shabu at mahigit 3 gramo ng marijuana.

Read More:  TOWNS Foundation expresses disappointment over Sen. Legarda’s political move

Ayon sa SPD, ang walang humpay nilang pagsisikap sa paglaban sa iligal na droga ay nagpapakita ng kanilang pangako sa paglikha ng isang drug-free environment. (with reports from JAIME CODIZAL – Brigada News FM Manila)